Isang ina, asawa, kaibigan, guro, at masugid na nagsulong ng pananaliksik sa kababaihan, siya ay si Prop. Ma. Reina Boro-Magbanua o kilala ng karamihan bilang, ”Ma’am Beng.”
Siya ay nagturo sa Departamento ng Agham Panlipunan sa loob ng mahigit tatlong dekada. Sa mahabang panahong ito, marami siyang mapagpalayang mga artikulong naisulat, tampok ang danas, hirap, at tagumpay ng mga kababaihan sa kasaysayan.
'Ika nga niya sa kanyang akda, "palawakin pa ang pag-aaral nang mas maibalik ang kababaihan sa kasaysayan at ang kasaysayan sa kanya.”
Ang mga ala-ala, aral, at pananaliksik ni Ma’am Beng ay patuloy na magsisilbing tanglaw sa pag-angkin ng kababaihan ng kanyang lugar hindi lang sa kasaysayan, kundi hanggang sa kasalukuyan at kinabukasan.
Tunghayan ang mga naging papel publikasyon ni Ma’am Beng na pinamagatang, Si Lorena at ang Makibaka, Mga Ginampanang Papel at Tungkulin ng Babae sa Cofradia de San Jose, Sekswalidad at Kasarian ng Limang Babae sa Limang Epikong Pilipino, Pagsilip sa Imahe ng Babae sa Ilang Piling Kasaysayang Awit, at Ang Babaylan sa Tradisyong Rebolusyonaryo na makikita sa ibaba.
Upang mabasa ang buong papel, huwag kalimutang i-scan ang QR code na nasa poster o sundan ang link na ito:
https://bit.ly/BengMagbanuaPublications
--
Panoorin ang palatuntunang inihanda ng UPLB Department of Social Sciences para sa mga ambag sa pananaliksik sa Araling Kababaihan ni Prop. Ma. Reina Boro-Magbanua gamit ang link na ito:
--
Upang makita ang karagdagang inpormasyon maaari lamang pumunta sa UPLB Department of Social Sciences Facebook Page para sa mga detalye.
#SocSciMonth2024 #uplbdssat51