Ang Kapantasang Zeus A. Salazar at ang Tunguhin ng Agham Panlipunan sa UPLB.
428625401_906354261279918_4511521995706056892_n
TINGNAN: Ang kaguruan ng UPLB Departamento ng Agham Panlipunan ay magkakaroon ng isang makabuluhang pakikipag-usap kay Dr. Zeus A. Salazar bukas, Pebrero 26, para sa HIST 1/KAS 1 General Education Conversation na pinamagatang “Ang Kapantasang Zeus A. Salazar at ang Tunguhin ng Agham Panlipunan sa UPLB.” Kinikilala ng marami si Dr. Salazar bilang “Ama ng Bagong Historiograpiyang Pilipino.” Isa sa mga pangunahing ambag niya sa pag-aaral ng kasaysayan sa Pilipinas ay ang konsepto ng Pantayong Pananaw.